Kasunduan sa Pagsasa-ayos ng Google Books

Kung ikaw ay isang may-akda, publisher, o may hawak ng copyright, mangyaring bisitahin ang site sa pangangasiwa ng pagtatatag para sa impormasyon.

Ang Kinabukasan ng Google Books

Ang aming groundbreaking agreement sa mga may-akda at mga publisher.


Dalawang taon na ang nakalilipas, ang Authors Guild, ang Association of American Publishers at ilang mga may-akda at mga publisher ay nagsampa ng kaso laban sa Google Books.

Ngayon ay nagagalak naming ibalita na naareglo na namin ang kaso na iyon at masugid kaming makikipagtulungan sa mga kasosyo sa industriya upang ibigay ang mas marami pang mga aklat sa mundo na naka-online. Sama-sama naming isasakatuparan ang higit pa sa kaya namin nang nag-iisa, para sa matagalang pakinabang ng mga may-akda, mga publisher, mga mananaliksik at pati na rin ang mga mambabasa.

Matatagalan para sa kasunduang ito na maaprubahan at tapusin ng Hukuman. Sa ngayon, narito ang isang pagsilip sa mga pagbabago na inaasahan namin na malapit ninyo nang makita.

  1. Book Search ngayon
  2. Paano magbabago ang Book Search
  3. Tatlong uri ng mga aklat
  4. Ang Pagrehistro sa mga Karapatan ng Aklat
  5. Mga aklatan at mga unibersidad
  6. Umaasa

Book Search ngayon

Sa ngayon, maaari kang maghanap sa buong teksto ng ilan sa pitong milyong mga libro sa pamamagitan ng Google Books. Subukan mo ito:


Sa tuwing gagawin mo ang paghahanap sa web ng Google, hinahanap mo rin ang aming index ng aklat; anumang kaugnay na mga hit ay lilitaw sa mga resulta sa paghahanap mo, at ang pagki-click sa isang resulta ay dadalhin ka sa kaugnay na pahina ng aklat, kung saan maaari kang mag-browse ng ilang karagdagang mga pahina at malaman kung saan ito mahihiram o mabibili.



Resulta ng Aklat sa Google.com.ph



Pahina ng aklat sa Book Search

Ang mga aklat sa Google Books ay galing mula sa dalawang pagmumulan.

Ang Proyektong Aklatan

Nakisosyo kami sa renowned libraries sa buong mundo upang isama ang kanilang mga koleksyon sa Book Search. Para sa mga aklat sa Proyektong Aklatan na may copyright pa rin, ang aming mga resulta ay parang card catalog; ipinapakita namin ang impormasyon sa iyo tungkol sa aklat at, sa kabuuan, ang kaunting mga snippet ng tekstong nagpapakita ng term sa paghahanap sa konteksto.

Gayunpaman, para sa mga aklat na nasa Proyektong Aklatan na walang copyright maaari mong basahin at i-download ang buong aklat.



Snippet view ng aklat na may copyright



Buong view ng aklat na walang copyright



Preview ng aklat ng Kasosyo sa Programa

Ang Kasosyo sa Programa

Nakisosyo rin kami sa higit sa 20,000 mga publisher at mga may-akda upang gawin katuklas-tuklas ang kanilang mga aklat sa Google. Maaari mong buklatin ang ilang mga preview ng pahina ng mga aklat na ito, tulad ng pag-browse mo sa kanila sa isang tindahan ng aklat o aklatan. Makikita mo rin ang mga link sa mga aklatan o mga tindahan ng aklat kung saan maaari kang manghiram o bumili ng aklat.

Maaari mong dagdagan ang nalalaman tungkol sa at mag-sign up sa Kasosyo sa Programa dito.



Paano magbabago ang Book Search

Sa oras na naaprubahan, ang kasunduang ito ay magpapahintulot sa amin at sa aming mga kasosyo sa industriya sa pagpa-publish na mas lalo pang palawakin ang bilang ng mga aklat na maaari mong mahanap, ma-preview at mabili sa pamamagitan ng Google. Narito kung paano.

Mga aklat na ubos na ang kopya

Hanggang ngayon, nagawa lamang naming ipakita ang ilang mga snippet ng teksto para sa karamihan ng mga aklat na may copyright na nai-scan sa pamamagitan ng aming Proyektong Aklatan. Dahil sa ang karamihan sa mga aklat na ito ay ubos na ang kopya, upang msimong mabasa sila kailangan hanapin mo sila sa isang aklatan o sa tindahan ng mga gamit na aklat.



Snippet view



Preview



Bayad na Buong View

Pinahihintulutan kami ng kasunduang ito na mai-preview, mabasa at mabili sa U.S. ang karamihan ng mga aklat na ito na ubos na ang kopya. Una sa lahat ang makatulong na siguraduhin na patuloy na makukuha ang mga aklat na ubos na ang kopya ay ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya namin sinimulan ang proyektong ito at wala nang mas sasaya pa sa amin, na magagawa na namin ngayon at ng aming mga may-akda, aklatan at mga kasosyo sa pagpa-publish na protektahan ang kasaysayang pang-kultura ng sangkatauhan sa ganitong paraan.

Pag-a-access ng mga aklat

Lilikha ng bagong mga opsyon ang kasunduang ito para sa pagbabasa sa buong mga aklat (kung tutuusin iyan ang dahilan kaya naririyan ang mga mga aklat).

  • Pag-access sa online

    Sa oras na ang kasunduang ito ay naaprubahan, maaari ka nang bumili ng may full online access sa milyun-mliyong mga aklat. Ibig sabihin nito ay maaari mo ng mabasa ang buong libro mula sa anumang computer na nakakonekta sa Internet, sa pamamagitan ng pag-log in sa Book Search account mo,at ito ay mananatili sa iyong electronic shelf nang sa gayon maaari mong balikan at ma-access ito kung kailan mo gusto sa hinaharap.

  • Pag-access sa Aklatan at unibersidad

    Mag-aalok din kami ng mga aklatan, mga unibersidad at iba pang mga samahan ng kakayahan upang bumili ng mga subskripsyon na pang-institusyon, na magbibigay sa mga gumagamit ng pag-access sa kumpletong teksto ng milyong mga pamagat habang tinutumbasan ang mga may-akda at mga publisher para sa serbisyo. Ang mga estudyante at mga mananaliksik ay magkakaroon ng pag-access sa isang electronic library na pinagsasama-sama ang mga koleksyon mula sa maraming nangungunang mga unibersidad sa buong bansa. Ang mga pampubliko at pang-unibersidad na aklatan sa U.S. ay magagawa ring mag-alok ng mga terminal kung saan ang mga mambabasa ay maaaring ma-access ang buong teksto ng milyong mga aklat na wala ng kopya ng libre.

  • Pagbili o paghiram ng aktwal na mga aklat.

    Sa huli, kung ang aklat na gusto mo ay mayroon sa tindahan ng aklat o kalapit na aklatan, patuloy naming ituturo sa iyo ang mga pagkukunan, tulad ng aming laging ginagawa.

Mga internasyonal na gumagamit

Dahil nireresolba ng kasunduang ito ang kaso sa United States, direkta lamang makakaapekto ito sa mga gumagamit na nag-a-access sa Book Search sa U.S.; sa ibang lugar, ang karanasan sa Book Search ay hindi magbabago. Sa hinaharap, inaasahan naming makipagtrabaho sa internasyonal na mga pangkat sa industriya at mga indibidwal na mga may hawak ng mga karapatan upang palawakin ang mga pakinabang ng kasunduang ito sa mga gumagamit sa buong mundo.



Tatlong uri ng mga aklat

Tumutulong sa paglalarawan ang kasunduang ito kung paano ang aming mga gumagamit ay maaaring mag-access sa ibang mga kategorya ng mga aklat sa Google Books.

  1. May copyright at may kopyang mga aklat

    Ang mga aklat na may kopya ay mga aklat na aktibo pang binebenta ng mga publisher, ang mga nakikita mo pa sa karamihan ng mga tindahan ng mga aklat. Pinalalawak ng kasunduang ito ang marketplace na online para sa mga aklat na may kopya sa pamamagitan ng pagpayag sa mga may-akda at mga publisher na buksan ang modelong "preview" at "purchase" na magagawang mas madali ang kanilang mga pamagat na makita sa pamamagitan ng Book Search.

  2. Mga aklat na may copyright ngunit ubos na ang kopya

    Ang mga aklat na ubos na ang kopya ay hindi aktibong nai-publish o nai-benta, upang ang tanging paraan upang makakuha ng isa ay ang subaybayan ito sa aklatan o tindahan ng mga gamit na mga aklat. Kapag ang kasunduang ito ay naaprubahan, ang bawat aklat na ubos na ang kopya na aming nai-digitize ay makikita online para sa pag-preview at pagbili, maliban kung pinili ng may-akda o ng publisher na huwag paganahin ang pamagat na iyon. Naniniwala kami na magiging napakalaking pakinabang nito sa industriya ng pagpa-publish upang magawa ng mga may-akda at mga publisher na kumita ng pera mula sa dami na maaaring inisip nila na nawala na kaylanman mula sa marketplace.

  3. Mga aklat na ubos na ang kopya

    Hindi maaapektuhan ng kasunduang ito kung paano namin ipapakita ang mga aklat na ubos na ang kopya; ipagpapatuloy namin na payagan ang mga gumagamit ng Book Search na basahin, i-download at i-print ang mga pamagat na ito, tulad ng ginagawa namin ngayon.



Ang Pagrehistro sa Mga karapatan ng Aklat

Ang kasunduan ay lilikha rin ng isang malaya, hindi pagkakakitaang Pagrehistro sa Mga Karapatan ng Aklat upang ikatawan ang mga may-akda, mga publisher at iba pang mga may hawak ng mga karapatan. Sa buod, tutulungan ng Pagrehistro ang paghanap ng mga may hawak ng mga karapatan at siguraduhin na makakatanggap sila ng pera na kinita ng kanilang mga gawa sa ilalim ng kasunduan ito. Maaari mong bisitahin ang site sa pangangasiwa ng pagtatatag, ang Authors Guild o ang AAP upang dagdagan ang nalalaman tungkol sa mahalagang simulaing ito.



Mga Aklatan at mga unibersidad

Hindi magiging posible ang kasunduang ito ng wala ang lahat ng mga aklatan na nangalaga ng mga aklat na ito at ngayon na nakipagsosyo sa amin upang marami sa kanila ang maging matuklasan online. Nagagalak kami na ang kasunduang ito ay lumilikha ng bagong mga pagkakataon para sa mga aklatan at mga unibersidad upang mag-alok sa kanilang parokyano at mga estudyante na mag-access sa milyong mga aklat na lagpas sa kanilang sariling mga koleksyon.

Sa karagdagan sa mga subskripsyin na pang-institusyon at libreng terminal sa pampublikong pag-access, ang kasunduan ay lilikha rin ng mga pagkakataon para sa mga manunuri upang pag-aralan ang mga milyong dami sa index ng Book Search. Ang mga pang-akademya ay magagawang maglapat sa pamamagitan ng isang pang-institusyon upang patakbuhin ang mga query sa pagkalkula sa pamamagitan ng index ng hindi aktwal binabasa ang indibidwal na mga aklat.



Umaasa

Ang layunin ng Google ay ayusin ang impormasyon ng mundo at gawin itong accessible saanman at kapaki-pakinabang. Ngayon, kasama ng aming mga may akda, tagapaglathala at mga aklatan, nakagawa kami ng isang malaking hakbang sa gawaing ito, sabi ni Sergey Brin, co-founder at presidente ng tekholohiya sa Google. Bagama't ang kasunduang ito ay tunay na tagumpay para sa aming lahat, ang talagang panalo rito ay ang lahat ng mambabasa. Ang napakalaking kayamanan ng kaalaman na matatagpuan sa loob ng mga aklat sa mundo ngayon ay abot kamay na."

Hinahangad at inaasahan namin na ang malaking hakbang kasama ng aming mga kaibigan at mga kasosyo sa industriya ng pagpa-publish ay una pa lamang sa marami pa. Gustong-gusto namin ang mga aklat sa Google, at ang aming iniingat-ingatang pangarap na ang Book Search ay magiging serbisyong tumitiyak na ng mga aklat, kasama ang kanilang mga may-akda at mga publisher, ay dadami sa marami pang mga taon sa hinaharap.